Ngayong umaga lamang, araw ng Huwebes at ika-29 ng Disyembre 2011, nagulantang ako sa balitang merong 22 ka tao ang natamaan ng ligaw na bala. Ang ibig sabihin nito, meron pa ring hindi natututo sa mga mapait na karanasan ng iba.
Bakit nga ba merong nagpapaputok tuwing kapaskuhan at bagong taon? Marahil ay impluwensya lamang ito sa ibang kultura ng mga dayuhan. Hindi naman nakasulat sa mga banal na kasulatan (Bibliya o Koran) na dapat salubungin ang selebrasyon ng pasko o bagong taon o kaya sa Eid ng mga kapatid kong Muslim sa pamamagitan ng pagpapaputok.
Ang unang naitala at sumikat na mga taong diumano'y nakaimbento ng fireworks ay ang mga Chinese mga 2,000 taon na ang nakalipas.
Ayon sa mga alamat, merong mythical beast na tinatawag na Nian na dumadating tuwing araw ng bagong taon upang kainin ang mga alagang hayop at maging mga tao lalo na ang mga kabataan.
Noong una, naglalagay ang mga singkit ng pagkain sa harapan ng kanilang pintuan tuwing New Year para ito na lang ang kainin ng nasabing dambuhala.
Di kalaunan ay nalaman ng mga taong takot sa kulay pula ang dambuhalang si Nian nang ito ay kumaripas ng takbo dahil sa batang walang kamuwang-muwang na nakasuot pula at lumapit sa kanya.
Dahil don, naging uso naman ang paglagay ng pulang lanterns at pulang spring scrolls para pantakot sa dambuhala. Marahil ay ito rin ang dahilan kung bakit nagsasabit ang mga Kristiyano ng parol tuwing pasko.
Nang naimbento ang gunpowder ng mga Intsik, naging paborito na nila itong pananakot sa mga dambuhala kagaya ni Nian ang kung ano pang mga masasamang espiritu na nang-gugulo sa mga tao.
Paniniwala ng mga Pinoy
Sa dami ng naging kasalamuhang dayuhan ng mga Pinoy, samo't-saring paniniwala rin ang ating sinusundan mula sa mga 'sabi-sabi'. Ito ay pagkatapos na palit-palit na mga colonial powers ang naghahari dito sa ating bansa maliban pa sa mga nagdagsaang dayuhan na naninirahan na dito. Katunayan, kahit sa sulok-sulok ng Sulu at maging sa Maguindanao ay meron akong mga nakikitang mga dugong Intsik, Arabo at Malayo.
Kagaya rin sa mga Intsik, nagpapaputok tayo tuwing bagong taon. Although ang Chinese New Year ay sa ibang buwan (depende sa Chinese lunar calendar), na-adopt natin ang pagpapaputok tuwing New Year (January 1). Ewan ko lang kung bakit meron ding damuhong nagpapaputok kahit wala pa ang bagong taon.
Samantala, ang mga kapatid nating Muslim ay merong kahalintulad na selebrasyon na kung saan ay nagpapaputok din sila. Sa Arab countries na mayayaman, meron silang fireworks display. Pero sa mga mahihirap na bansang Muslim (maging sa ibang mga mayayamang bansa) na kung saan ay may mga tinaguriang tribal areas, kalimitan ay baril ang ginagamit na pagpapaputok bilang selebrasyon.
Dito sa Pilipinas, normal ang me putukan sa Muslim Mindanao lalo na sa mga liblib na lugar kapag end ng Ramadan na kilala rin sa tawag na Eid.
Noong ako ay nasa Sulu sa taong 2000, umuulan ng bala tuwing Eid at marami ang natatamaan ng ligaw na bala. Ang ginagawa namin, gumigilid kami sa may mga sementadong lugar upang di madapuan ng bala. Katunayan, ang bubong ng aming barracks sa Busbus, Jolo, Sulu ay nagkandabutas-butas dahil sa balang dumadapo tuwing Eid. Nakapulot pa kami ng bala na tumalbog sa semento.Nagkandapara tuloy ang aming panday sa pagtapal gamit ang vulca seal para di tumulo sa pagdating ng ulan.
Noong nasa Basilan ako sa taong 1998, ginapang namin ang isang kubo na pinanggalingan ng maraming putok ng baril dahil sa akala naming ito ay isang damuhong Abu Sayyaf. Grabe ang pawis at pagod namin sa kagagapang bago namin nalapitan at natutukan ang lalaking trigger-happy. Di naman sya nanlaban at nakilala naming isa pala syang off-duty CAFGU. Pinagalitan ko sya at tinanong bakit sya nagpaputok, ang sabi nya ay "Sel, nag-celebrate ako at lalaki ang ipinaganak ng asawa ko eh".
Ang kaibahan lang sa Christian areas at a Muslim areas, ay ang ginagamit sa pagpapaputok. Sa mga napuntahan kong lugar na kung saan ay dominant ang mga kapatid nating Muslim, halos lahat ay baril ang ginagamit sa pagpapaputok. Ganito ang practice sa lugar kagaya sa Sulu, Basilan, Maguindanao at sa Marawi City na kung saan ako nag-aral ng college.
Samantala, sa Christian area ay karamihang fireworks ginagamit ngunit meron ding gumagamit pa rin ng baril. Feeling astig kasi pag baril ang ginagamit. Kahit anong hi-tech yong firecrackers ng kapitbahay, mas pansinin nga naman ang pagpaputok ng riple na pwede pang sadyain ang sequence ng putok sa "Lets go machine gun, automatic garand!".
Mapa-Kristiyano o Muslim, hindi na nila alam na ang pagpapaputok ay isang selebrasyon ng mga Intsik na pananakot sa mga kung anu-anong pinaniniwalaang Espiritu. Kung tutuusin ay hindi na sila dapat gumaya maliban siguro kung singkit na rin mata nila. Ewan lang kung ang nakikita nating mga mahilig magpapaputok ay alam nila ang dahilan maliban sa 'gumagaya lang' sila sa mga nakagawian ng mga nakakatanda.
Mapa-Kristiyano o Muslim, hindi na nila alam na ang pagpapaputok ay isang selebrasyon ng mga Intsik na pananakot sa mga kung anu-anong pinaniniwalaang Espiritu. Kung tutuusin ay hindi na sila dapat gumaya maliban siguro kung singkit na rin mata nila. Ewan lang kung ang nakikita nating mga mahilig magpapaputok ay alam nila ang dahilan maliban sa 'gumagaya lang' sila sa mga nakagawian ng mga nakakatanda.
Bakit masama ang magpaputok ng baril sa ere
Taliwas siguro sa kaalaman ng karamihan, nakakamatay ang balang dumadapo pagkatapos na ito ay ipinutok sa ere (langit).
Mahirap ipaliwanag ang scientific explanation ngunit dapat maliwanagan ang mga ignorante sa katotohanang ang lahat na itinapon sa taas ay siguradong babalik sa lupa. Ito ay tinatawag nilang effect of the gravitational pull.
Kapag ipinutok mo ang baril sa ere, ang bala ay aabot ng hanggang isang milya (1.6kms) sa pinakadulo, depende sa anggulo at sa kalibre ng baril; at galing doon sa pinakadulo ng trajectory (apogee), ay babalik ito sa lupa.
Totoong pinapahina na ang bala ng air resistance ngunit ang kanyang pwersa ay sapat pang makabasag ng bungo ng tao. Ang lakas nito ay kagaya ng pwersa ng martilyong ipinalo sa ulo. Di ba masakit at nakakamatay yon?
Masakit ang head wound dahil nadapuan ng bala mula sa ere.
Ayon sa humahabang talaan ng mga dinadapuan ng balang ipinutok sa ere, talagang nakakamatay ito. Kung basahin natin ang mga balita, marami ang nasugatan at namamatay pagkatapos na nagpaputok sa ere ang maraming tropa ng coalition forces sa Libya nang nagapi na nila si Gadhaffi.
Isang trigger-happy na miyembro ng paramilitary forces sa Libya ang nagpapaputok sa gitna ng sangkaterbang tao dahil sa kasayahan na nahuli na nila si Gaddhafi. Sa dami ng tao sa paligid, mas malamang na merong natamaan sa balang kanyang binitawan at naging malungkot tuloy ang kanilang selebrasyon.
Wala lang nag-iingay sa Muslim areas dito sa atin tuwing Eid na kung saan ay naglalabasan ang daan-daang trigger-happy para magpaputok. Hindi na siguro mabilang ang mga casualties dahil dito sa kamangmangan tungkol sa maling gawaing 'celebratory gunfire'.
Panawagan sa mga trigger-happy
Kahit paulit-ulit, nananawagan ako sa mga trigger-happy na iwasan ang magpaputok sa ere ngayong kapaskuhan at sa New Year.
Pumunta na lang tayo sa firing range at doon natin ibuhos ang ating gigil sa target papers. Siguraduhin lang na sa backstop lagi ang impact.
Sa mga pasaway ay hindi na lang ang mahabang kamay ng batas ang katakutan. Isipin na lang natin na paano naman kung tayo ang ma-karma at madapuan ng balang ipinutok ng kapwa ungas na trigger-happy sa kabilang dako?
Pumunta na lang tayo sa firing range at doon natin ibuhos ang ating gigil sa target papers. Siguraduhin lang na sa backstop lagi ang impact.
Sa mga pasaway ay hindi na lang ang mahabang kamay ng batas ang katakutan. Isipin na lang natin na paano naman kung tayo ang ma-karma at madapuan ng balang ipinutok ng kapwa ungas na trigger-happy sa kabilang dako?
Ang shooting addict ay disiplinadong gun owner at responsableng shooter. Sinusunod nya ang cardinal rules ng gun safety kagaya ng "Be sure of your target and what is around it".
Merong TV advertisement sa dayuhang bansa na dapat nating pahalagahan: Bullets are not greeting cards. Don't send them to your friends during celebrations.
Sa halip ay ang mga ganito lamang ang ipapadala:
Para sa selebrasyon ng Eid il Fitri (End of Ramadan)New Year's greeting Card
Be a responsible Filipino. Don't celebrate with weapons. Salam!
No comments:
Post a Comment